Jeremias 51:18-22 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

18. Walang kabuluhan ang mga iyon, at dapat sumpainmalilipol sila pagdating ng araw ng pagpaparusa sa kanila.

19. Ang Diyos ni Jacob ay hindi gaya ng mga ito;sapagkat siya ang lumikha ng lahat,at ang Israel ang hinirang niya;Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ang pangalan niya.

20. Ikaw ang aking martilyo at sandatang pandigma;sa pamamagitan mo'y dudurugin ko ang mga bansa;sa pamamagitan mo'y ibabagsak ko ang mga kaharian.

21. Sa pamamagitan mo'y aking wawasakin ang mga hukbong nakakabayo,at ang mga hukbong nakakarwahe,

22. ang lalaki at ang babae,ang bata at ang matanda,ang binata at ang dalaga,

Jeremias 51