1. Mga taga-Jerusalem, magmasid-masid kayo.Ang mga lansangan ay inyong libutin at ang buong paligid ay halughugin.Maghanap kayo sa mga pamilihan.May makikita ba kayong isang taong matuwid at tapat kay Yahweh?Kung mayroon kayong matatagpuan, patawad ni Yahweh sa Jerusalem igagawad.
2. Nanunumpa nga kayo sa pangalan ni Yahweh,ngunit hindi taos sa inyong puso ang inyong sinasabi.
3. Ang hanap ni Yahweh ay katotohanan.Pinarusahan niya kayo, ngunit hindi ninyo pinansin ang sakit;pinahirapan niya kayo ngunit hindi pa rin kayo nagbago.Ayaw ninyong talikuran ang inyong mga kasalanan; dahil sa katigasan ng inyong ulo.
13-14. Ang mga propeta'y walang kabuluhan; hindi talagang galing kay Yahweh ang ipinapahayag nila.”Ganito naman ang sabi sa akin ni Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat: “Dahil nilapastangan ako ng mga taong iyan, ang aking salitang lalabas sa iyong bibig ay magiging parang apoy. Sila'y parang tuyong kahoy na tutupukin nito.”