1. Mga taga-Jerusalem, magmasid-masid kayo.Ang mga lansangan ay inyong libutin at ang buong paligid ay halughugin.Maghanap kayo sa mga pamilihan.May makikita ba kayong isang taong matuwid at tapat kay Yahweh?Kung mayroon kayong matatagpuan, patawad ni Yahweh sa Jerusalem igagawad.
10. Sasabihan ko ang kanilang mga kaaway na sirain ang kanilang ubasan,subalit huwag naman nilang wawasakin ito nang lubusan.Sasabihin kong putulin ang mga sanga,sapagkat ang mga ito'y hindi naman para sa akin.
11. Kayong mga mamamayan ng Israel at ng Juda,pareho kayong nagtaksil sa akin.Akong si Yahweh ang nagsasalita.”
12. Si Yahweh ay itinakwil ng kanyang bayan. “Wala naman siyang gagawing anuman!” ang sabi nila. “Hindi tayo daranas ng kahirapan; walang darating na digmaan o taggutom man.
13-14. Ang mga propeta'y walang kabuluhan; hindi talagang galing kay Yahweh ang ipinapahayag nila.”Ganito naman ang sabi sa akin ni Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat: “Dahil nilapastangan ako ng mga taong iyan, ang aking salitang lalabas sa iyong bibig ay magiging parang apoy. Sila'y parang tuyong kahoy na tutupukin nito.”