20. Ang Moab ay napahiya at nanlupaypay;humiyaw kayo at tumangis,ipahayag ninyo hanggang sa Ilog Arnon na winasak na ang Moab!
21. “At ang hatol ay dumating na sa mga lunsod sa mataas na kapatagan: sa Holon, sa Jaza, sa Mefaat,
22. sa Dibon, sa Nebo, sa Beth-diblataim,
23. sa Kiryataim, sa Bethgamul, sa Bethmeon,
24. sa Keriot, sa Bozra at sa lahat ng lunsod ng Moab, malayo man o malapit.
25. Bagsak na ang kapangyarihan ng Moab at siya'y mahina na ngayon, sabi ni Yahweh.”
26. “Lasingin ninyo ang Moab,” sabi ni Yahweh, “sapagkat naghimagsik siya laban sa akin. Bayaan ninyong siya'y gumulong sa sariling suka, at maging tampulan ng katatawanan.
27. Hindi ba't pinagtawanan mo ang Israel? Itinuring mo sila na parang nahuling kasama ng mga magnanakaw at napapailing ka tuwing siya'y babanggitin mo.
28. “Iwan ninyo ang mga lunsod, at doon kayo manirahan sa kabatuhan, kayong taga-Moab! Tumulad kayo sa kalapating nagpupugad sa gilid ng bangin.
29. Nabalitaan na namin ang kapalaluan ng Moab. Napakayabang niya: mapangmata, palalo, hambog at mapagmataas.