Jeremias 47:3-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Maririnig ang ingay ng yabag ng mga kabayo,ang paghagibis ng mga karwahe!Hindi na maaalala ng mga magulang ang kanilang mga anak;manghihina ang kanilang mga kamay,

4. sapagkat dumating na ang araw ng pagkawasak ng mga Filisteo.Ang pinakahuling magtatanggol sa Tiro at Sidon ay babagsak;sapagkat lilipulin ni Yahweh ang mga Filisteo,ang nalabi sa baybayin ng Caftor.

5. Parang kinalbo ang Gaza;pinatahimik ang Ashkelon.Hanggang kailan magluluksa ang mga Filisteo?

6. Kailan pa magpapahinga ang tabak ni Yahweh?Lumigpit ka na sa kaluban, at doon manahimik!

7. Paano naman itong mapapahinga?Hindi pa tapos ang gawaing itinakda sa kanya ni Yahwehlaban sa Ashkelon at sa kapatagang malapit sa dagat;doon nakatakda ang gawain nito.”

Jeremias 47