Jeremias 47:2-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

2. “Tumataas ang tubig sa hilaga,at babaha, ito'y aapaw sa buong lupain;magpapasaklolo ang mga tao,maghihiyawan sa matinding takot.

3. Maririnig ang ingay ng yabag ng mga kabayo,ang paghagibis ng mga karwahe!Hindi na maaalala ng mga magulang ang kanilang mga anak;manghihina ang kanilang mga kamay,

4. sapagkat dumating na ang araw ng pagkawasak ng mga Filisteo.Ang pinakahuling magtatanggol sa Tiro at Sidon ay babagsak;sapagkat lilipulin ni Yahweh ang mga Filisteo,ang nalabi sa baybayin ng Caftor.

Jeremias 47