1. Ito ang sinabi ni Yahweh kay Propeta Jeremias tungkol sa mga bansa.
2. Tungkol sa Egipto, sa hukbo ni Faraon Neco na nilupig ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia, samantalang sila'y nakahimpil sa may Ilog Eufrates sa Carquemis noong ika-4 na taon ng paghahari sa Juda ni Jehoiakim, anak ni Josias:
3. “Ihanda ninyo ang inyong mga kalasag,at sumugod sa digmaan!