Jeremias 4:22-27 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

22. At sinabi ni Yahweh, “Napakahangal ng aking bayan;hindi nila ako nakikilala.Tulad nila'y mga batang wala pang pang-unawa.Sanay sila sa paggawa ng masamangunit bigo sa paggawa ng mabuti.”

23. Pagkatapos ay tiningnan ko ang daigdig; wala itong hugis o anumang kaanyuan,at sa langit ay walang anumang tanglaw.

24. Tumingin ako sa mga bundok at mga burol;ang mga ito'y nayayanig dahil sa lindol.

25. Wala akong makitang tao, wala kahit isa;pati mga ibon ay nagliparan na.

26. Ang masaganang lupain ay naging disyerto;wasak ang mga lunsod nitodahil sa matinding poot ng Diyos.

27. Sinabi ni Yahweh, “Masasalanta ang buong lupain ngunit hindi ko lubusang wawasakin.”

Jeremias 4