Jeremias 31:15-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

15. Sinabi ni Yahweh:“Narinig sa Rama ang isang tinig—panaghoy at mapait na pagtangistinatangisan ni Raquel ang kanyang mga anak.Ayaw niyang paaliw sapagkat patay na sila.”

16. Sinasabi ni Yahweh:“Itigil na ninyo ang inyong pag-iyak,huwag na kayong lumuha;sapagkat gagantimpalaan ang inyong mga ginawa,babalik sila mula sa lupain ng kaaway.

17. May pag-asa sa hinaharap, sabi ni Yahweh,magbabalik sa sariling bayan ang inyong mga anak.

18. “Narinig kong nananaghoy ang mga taga-Efraim:‘Pinarusahan ninyo kamina parang mga guyang hindi pa natuturuan.Ibalik ninyo kami nang kami'y gumaling,sapagkat kayo si Yahweh na aming Diyos.

19. Tumalikod kami sa inyo ngunit ngayo'y nagsisisi na;natuto kami matapos ninyong parusahan.Napahiya kami't nalungkot dahil nagkasala kamisa panahon ng aming kabataan.’

Jeremias 31