Jeremias 25:31-37 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

31. Ang ingay ay aabot sa lahat ng panig ng sanlibutan.Sapagkat hahatulan niya ang mga bansa,gayon din ang buong sangkatauhan;ang masasama ay kanyang lilipulin.Ito ang sabi ni Yahweh.’”

32. Ganito ang sinasabi ni Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat: β€œAng sakuna ay lumalaganap na sa bawat bansa, parang malakas na bagyong dumarating mula sa pinakamalayong panig ng sanlibutan.

33. Sa araw na yaon, ang buong daigdig ay mapupuno ng bangkay ng mga pinatay ni Yahweh. Hindi na sila tatangisan, titipunin, o ililibing; magiging dumi na lamang sila sa ibabaw ng lupa!”

34. Tumangis kayo, mga pastol, umiyak kayo nang malakas! Maglagay kayo ng abo sa inyong ulo, kayong tagapag-alaga ng kawan. Oras na ng pagtungo ninyo sa patayan, at papatayin din kayong gaya ng mga tupa.

35. Walang matatakbuhan ang mga pastol; hindi makakatakas ang mga tagapag-alaga ng kawan.

36. Pakinggan ninyo ang iyakan ng mga pastol, at ang panangisan ng mga tagapag-alaga ng kawan. Sinasalakay na ni Yahweh ang dating matiwasay na pastulan.

37. Ang lahat ng tupa sa kawan ay pinuksa dahil sa matinding poot ni Yahweh.

Jeremias 25