Jeremias 22:13-27 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

13. “Kahabag-habag ang magiging wakas ng taong nagtatayo ng kanyang bahay sa pamamagitan ng pandaraya,at naglalagay ng mga silid dito sa pamamagitan ng panlilinlang.Pinagtatrabaho niya ang kanyang kapwa nang walang kabayaran.

14. Sinasabi pa niya,‘Magtatayo ako ng malaking bahayna may malalaking silid sa itaas.Lalagyan ko ito ng mga bintana,tablang sedar ang mga dingding,at pipinturahan ko ng kulay pula.’

15. Kung gumamit ka ba ng sedar sa iyong bahay,ikaw ba'y isa nang haring maituturing?Alalahanin mo ang iyong ama; siya'y kumain at uminom,naging makatarungan siya at matuwid;kaya siya'y namuhay na tiwasay.

16. Tinulungan niya ang mga dukha at nangangailangan,kaya pinagpala siya sa lahat ng bagay.Pinatunayan niyang ako'y kanyang nakikilala.

17. Subalit kayo, wala kayong iniisip kundi ang sariling kapakanan.Pumapatay kayo ng taong walang kasalanan,at pinagmamalupitan ang mga tao.”Ito ang sabi ni Yahweh.

18. Kaya ganito ang sabi ni Yahweh tungkol kay Jehoiakim, anak ni Haring Josias ng Juda:“Walang tatangis sa kanyang pagpanaw o magsasabing,‘Mahal kong kapatid! O, ang kapatid ko!’Wala ring tatangis para sa kanya, at sisigaw ng,‘O, panginoon! O aking hari!’

19. Ililibing siyang tulad sa isang patay na asno;kakaladkarin at ihahagis sa labas ng pintuang-bayan ng Jerusalem.”

20. Umakyat kayo sa Lebanon at humiyaw,sumigaw kayo hanggang sa marinig sa Bashan ang inyong tinig.Kayo'y manangis mula sa tuktok ng Bundok Abarim,sapagkat nilipol nang lahat ang kapanalig ninyo.

21. Nagsalita ako sa inyo noong kayo'y masagana,subalit hindi kayo nakinig.Ganyan na ang ugali ninyo mula pa sa inyong kabataan;kahit minsan ay hindi kayo sumunod sa akin.

22. Tatangayin ng malakas na hangin ang inyong mga pinuno;mabibihag ang lahat ng nagmamahal sa inyo.Wawasakin ang lunsod ninyo at kayo'y mapapahiyadahil sa inyong masasamang gawa.

23. Kayong nakatira sa mga bahay na yari sa sedar buhat sa Lebanon,kaawa-awa kayo sa hirap na daranasin ninyo pagdating ng panahon,gaya ng hirap ng babaing manganganak!

24. Sinabi ni Yahweh, “Kung ikaw man, Conias, anak ni Haring Jehoiakim ng Juda, ay naging singsing na aking pantatak, huhugutin kita sa aking daliri.

25. Ibibigay kita sa kamay ng mga ibig pumatay sa iyo, sa mga taong iyong kinatatakutan, kay Haring Nebucadnezar ng Babilonia at sa kanyang mga sundalo.

26. Itatapon ko kayong mag-ina sa isang lupaing malayo sa lupang sinilangan mo. Doon na kayo mamamatay.

27. At hindi na kayo makakabalik sa sariling bayan na nais ninyong makitang muli.”

Jeremias 22