1. Sinabi sa akin ni Yahweh
2. na pumunta ako sa Jerusalem at ipahayag ito sa lahat ng naroroon:“Natatandaan ko ang iyong katapatan noong bata ka pa,ang iyong pagmamahal nang tayo'y ikasal;sinundan mo ako sa gitna ng disyerto,sa gitna ng lupaing walang tanim na anuman.
3. Ikaw Israel ay para kay Yahweh,ang pinakamainam na bahagi ng kanyang ani;pahihirapan ang sinumang mananakit sa iyo;darating sa kanila ang mga kaguluhan.Akong si Yahweh ang nagsasabi nito.”
4. Pakinggan ninyo ang pahayag ni Yahweh, mga anak ni Jacob, sambahayan ni Israel.