4. Mapipilitan kayong isuko ang lupaing ibinigay ko sa inyo. At gagawin ko kayong mga alipin ng inyong mga kaaway sa lupaing wala kayong nalalaman, sapagkat parang apoy ang aking galit, at mananatiling nagniningas magpakailanman.”
5. Sinasabi ni Yahweh,“Susumpain ko ang sinumang tumatalikod sa akin,at nagtitiwala sa kanyang kapwa-tao,sa lakas ng mga taong may hangganan ang buhay.
6. Ang katulad niya'y halamang tumubo sa disyerto,sa lupang tuyo at maalat, na walang ibang tumutubo;walang mabuting mangyayari sa kanya.
7. “Mapalad ang mga taong nagtitiwala kay Yahweh,pagpapalain ang umaasa sa kanya.