Jeremias 15:9-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. Ang inang mawawalan ng pitong anak na lalakiay mawawalan ng malay at hahabulin ang kanyang hininga.Para sa kanya, magdidilim ang dating maliwanagdahil sa malaking kahihiyan at pagdaramdam.Ang matitirang buháy ay pababayaan kong mamataysa kamay ng kanilang mga kaaway.Ako, si Yahweh, ang maysabi nito.”

10. Napakahirap ng kalagayan ko! Bakit pa ba ako isinilang sa daigdig na ito? Lagi akong may kaaway at kalaban sa buong lupain. Hindi ako nagpautang, o kaya'y nangutang; gayunman, nilalait ako ng lahat.

11. Yahweh, mangyari nawa ang kanilang mga sumpa sa akin kung hindi kita pinaglingkurang mabuti, at kung hindi ako nakiusap sa iyo para sa aking mga kaaway nang sila'y naghihirap at naliligalig.

12. Walang makakabali sa bakal, lalo na kung ang bakal ay mula sa hilaga, sapagkat ito'y hinaluan ng tanso.

13. At sinabi sa akin ni Yahweh, “Pababayaan kong agawin ng mga kaaway ang mga kayamanan at ari-arian ng aking bayan, bilang parusa sa mga kasalanang kanilang nagawa sa buong lupain.

Jeremias 15