7. Sinasabi ni Yahweh,“Pinabayaan ko na ang aking bayan,itinakwil ko na ang bansang aking hinirang.Ang mga taong aking minahal ay ibinigay ko nasa kamay ng kanilang mga kaaway.
8. Lumaban sa akin ang aking bayan,tulad ng mabangis na leon sa kagubatan;nagtataas sila ng kanilang tinig laban sa akin,kaya kinamumuhian ko sila.
9. Ang bayang pinili ko'y tulad sa isang ibongpinagtutulungan ng mga ibong mandaragit.Tawagin ang lahat ng mababangis na hayop,at makisalo sa kanyang bangkay!
10. Sinira ng maraming pinuno ang aking ubasan,pati ang aking kabukiran ay kanilang sinagasaan;ang aking magandang lupain, ngayon ay wala nang mapapakinabangan.
11. Wala nang halaga ang buong lupain;tigang na tigang sa aking harapan.Ang bayan ngayon ay isa nang ilang,at walang nagmamalasakit na sinuman.
12. Mula sa kahabaan ng maburol na ilangay lumusob ang mga mandarambong.Pinalaganap ko ang digmaan upang mawasak ang buong bayan;at walang sinuman ang makakaligtas.