3. Ngunit ako, Yahweh, ay iyong kilala;nakikita mo ako, ang mga ginagawa ko, nasa iyo ang puso ko.Hilahin mo ang mga taong ito, gaya ng mga tupang kakatayin;ihiwalay mo sila hanggang sa sandali na sila ay patayin.
4. Hanggang kailan pa mananatiling tigang ang lupain,at tuyot ang mga damo sa parang?Nagkakamatay na ang mga ibon at mga hayopdahil sa kasamaan ng mga tao doon.At sinasabi pa nila, “Hindi niya nakikita ang aming ginagawa.”
5. At sumagot si Yahweh,“Jeremias, kung hindi ka makatagal sa pakikipaghabulan sa mga taong ito,paano ka makikipagpaligsahan sa mga kabayo?Kung ika'y nadarapa sa patag na lupain,paano ka makakatagal sa kagubatan ng Jordan?
6. Kahit na ipinagkanulo ka ng iyong mga kapatid at sariling kamag-anak,at kasama sila sa panunuligsa sa iyo.Huwag kang magtitiwala sa kanila bagama't magaganda ang kanilang sinasabi sa iyo.”
7. Sinasabi ni Yahweh,“Pinabayaan ko na ang aking bayan,itinakwil ko na ang bansang aking hinirang.Ang mga taong aking minahal ay ibinigay ko nasa kamay ng kanilang mga kaaway.
8. Lumaban sa akin ang aking bayan,tulad ng mabangis na leon sa kagubatan;nagtataas sila ng kanilang tinig laban sa akin,kaya kinamumuhian ko sila.