20. Ang aming mga tolda ay nawasak;napatid na lahat ang mga lubid.Ang aming mga anak ay naglayasang lahat,walang natira upang mag-ayos ng aming tolda;wala isa mang magsasabit ng mga kurtina.”
21. At sumagot si Jeremias, “Ang aming mga pinuno'y pawang mga hangal;hindi sila sumangguni kay Yahweh.Kaya hindi sila naging matagumpay,at ang mga tao'y nagsipangalat.
22. Makinig kayo! May dumating na balita!Nagkakagulo sa isang bansang nasa hilaga;ang kanilang hukbo ang pupuksa sa mga lunsod ng Juda,at ito'y magiging disyerto, tahanan ng mga asong-gubat.”
23. Nalalaman ko po, Yahweh, na walang taong may hawak ng sarili niyang buhay;at walang nakakatiyak ng kanyang sasapitin.
24. Ituwid mo ang iyong bayan, O Yahweh;ngunit huwag naman sana kayong maging marahas.Huwag kaming parusahan sa panahong kayo'y napopoot;na siyang magiging wakas naming lahat.