Jeremias 10:14-18 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

14. Sa harapan niya ang bawat tao'y mistulang mangmang;malalagay sa kahihiyan bawat pandaysapagkat ang ginawa nilang mga diyus-diyosan ay hindi totoo at walang buhay.

15. Sila'y walang silbi sapagkat likha lamang ng pandaraya;wawasakin silang lahat ni Yahweh.

16. Ngunit hindi ganito ang Diyos ni Jacob;siya ang maylikha ng lahat ng bagay;at pinili niya ang Israel upang maging kanyang bayan.Yahweh ang kanyang pangalan, ang Diyos na Makapangyarihansa lahat.

17. “Mga taga-Jerusalem na napapaligiran ng kaaway, ipunin ninyo ang inyong mga ari-arian.

18. Palalayasin na kayo ni Yahweh at ipapatapon sa ibang lupain. Pahihirapan kayong lahat hanggang sa walang matira.” Ito ang sabi ni Yahweh.

Jeremias 10