Jeremias 10:1-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Mga anak ni Israel, pakinggan ninyo ang ipinapasabi ni Yahweh.

2. Ang sabi niya,“Huwag ninyong tutularan ang ginagawa ng ibang mga bansa;o mabahala sa nakikitang mga tanda sa kalangitan,na labis nilang kinatatakutan.

3. Ang dinidiyos nila'y hindi maaasahan.Isang punongkahoy na pinutol sa gubat,inanyuan ng mga dalubhasang kamay,

4. at pinalamutian ng ginto at pilak.Idinikit at pinakuan upang hindi mabuwal.

5. Ang mga diyus-diyosang ito'y tulad sa panakot ng ibon sa gitna ng bukid,hindi nakakapagsalita;pinapasan pa silasapagkat hindi nakakalakad.Huwag kayong matakot sa kanilasapagkat hindi sila makakagawa ng masama,at wala ring magagawang mabuti.”

6. Wala nang ibang tulad mo, O Yahweh;ikaw ay makapangyarihan,walang kasindakila ang iyong pangalan.

7. Sino ang hindi matatakot sa iyo, ikaw na Hari ng lahat ng bansa?Karapat-dapat lamang na ikaw ay katakutan.Kahit na piliin ang lahat ng matatalinomula sa lahat ng bansa at mga kaharian,wala pa ring makakatulad sa iyo.

Jeremias 10