7. Ngunit sinabi ng Panginoong Yahweh, “Hindi ito mangyayari.
8. Sapagkat ang Siria'y mas mahina kaysa Damasco na punong-lunsod niya,at ang Damasco'y mas mahina kaysa kay Haring Rezin.Ang Israel naman ay mawawasak sa loob ng animnapu't limang taon,at hindi na ito ibibilang na isang bayan.
9. Malakas pa kaysa Israel ang lunsod ng Samaria na punong-lunsod nito,at ang Samaria ay mas mahina kaysa kay Haring Peka.Ikaw ay mabubuwal kapag hindi naging matatag ang iyong pananalig sa Diyos.”
10. Muling nagsalita si Yahweh kay Ahaz:
11. “Humingi ka ng palatandaan kay Yahweh na iyong Diyos, maging ito ay buhat sa malalim na libingan o sa kaitaasan ng langit.”
12. Ngunit sinabi ni Ahaz: “Hindi po ako hihingi. Hindi ko po susubukin si Yahweh.”
13. At sinabi ni Isaias:“Makinig kayo, sambahayan ni David!Hindi pa ba sapat na subukin ninyo ang pagtitiis ng mga tao,at pati ang pagtitiis ng aking Diyos ay inyong sinusubok?
14. Dahil dito si Yahweh mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan:Maglilihi ang isang dalagaat magsisilang ng isang sanggol na lalakiat tatawagin sa pangalang Emmanuel.
15. Gatas at pulot ang kanyang kakaininkapag marunong na siyang umiwas sa masama at gumawa ng mabuti.
16. Sapagkat bago matuto ang bata na umiwas sa masamaat gumawa ng mabuti,ang lupain ng dalawang haring kinatatakutan mo ay wawasakin.
17. Ikaw at ang iyong bayan, pati na ang sambahayan ng iyong amaay ipapasakop ni Yahweh sa hari ng Asiria.Pagdaranasin ka nito ng paghihirap na kailanma'y hindi mo pa nararanasanmula nang humiwalay ang Efraim sa Juda.
18. Sa panahon ding iyon, tatawagin ni Yahweh ang mga Egipciona parang mga langaw mula sa malalayong batis ng Ilog Nilo,at ang mga taga-Asiria na gaya ng mga pukyutan.