Isaias 66:7-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

7. “Ang aking banal na lunsod ay parang babaing biglang nanganak;kahit hindi pa sumasakit ang kanyang tiyan,isang lalaki ang kanyang inianak.

8. May nabalitaan na ba kayo o nakitang ganyan?Isang bansang biglang isinilang?Ang Zion ay hindi maghihirap nang matagalupang ang isang bansa ay kanyang isilang.”

9. Ang sabi ni Yahweh:“Huwag ninyong isipin na ang bayan ko'yhahayaang umabot sa panahong dapat nang iluwal,at pagkatapos ay pipigilin sa pagsilang.”

10. Makigalak kayo sa Jerusalem, magalak kayo dahil sa kanya;kayong lahat na nagmamahal sa lunsod na ito!Kayo'y makigalak at makipagsaya,lahat kayong tumangis para sa kanya.

Isaias 66