6. Pakinggan ninyo at sa lunsod ay nagkakagulo,at mayroong ingay na buhat sa Templo!Iyon ay likha ng pagpaparusa ni Yahweh sa kanyang mga kaaway!
7. “Ang aking banal na lunsod ay parang babaing biglang nanganak;kahit hindi pa sumasakit ang kanyang tiyan,isang lalaki ang kanyang inianak.
8. May nabalitaan na ba kayo o nakitang ganyan?Isang bansang biglang isinilang?Ang Zion ay hindi maghihirap nang matagalupang ang isang bansa ay kanyang isilang.”
9. Ang sabi ni Yahweh:“Huwag ninyong isipin na ang bayan ko'yhahayaang umabot sa panahong dapat nang iluwal,at pagkatapos ay pipigilin sa pagsilang.”