23. Anumang gawaing paghirapan nila'y tiyak na magbubunga,at hindi magdaranas ng mga sakuna ang mga anak nila;pagpapalain ko ang lahi nila,at maging ang mga susunod pa.
24. Ang dalangin nila kahit hindi pa tapos ay aking diringgin,at ibibigay ko ang kanilang hinihiling.
25. Dito'y magsasalong parang magkapatid, ang asong-gubat at tupa,ang leon ay kakain ng damo tulad ng baka.At ang ahas naman na ang pagkain ay alabok kahit tapakan mo'y hindi ka mangangamba.Magiging panatag at wala nang masama sa banal na bundok.Sa Bundok ng Zion ay walang makakapinsala o anumang masama.”