7. Walang sinumang tumatawag sa pangalan mo;walang sinumang bumabangon upang sa iyo'y lumapit.Kami'y iyong pinagtaguan,at dahil sa aming mga kasalanan, kami'y iyong pinuksa.
8. Gayunman, O Yahweh, ikaw pa rin ang aming Ama.Kami ang putik at ikaw ang magpapalayok.Ikaw ang sa ami'y humubog.
9. O Yahweh huwag kang mapoot sa amin ng labis;huwag mo nang alalahanin magpakailanman ang aming mga kasamaan;mahabag ka sa amin sapagkat kami'y iyong bayan.
10. Ang mga banal na lunsod mo'y naging mga disyerto;ang Jerusalem ay naging mapanglaw na guho.