Isaias 64:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Bakit hindi mo buksan ang langit at bumabâ ka sa mundong ibabaw,upang ang mga bundok ay manginig sa takot sa iyong harapan?

2. Sila'y manginginig na parang tubig na kumukulo sa init ng apoy.Ipakita mo ang iyong kapangyarihan sa iyong mga kaaway,upang manginig ang mga bansa sa iyong harapan.

3. Nang ikaw ay dumating sa nakaraang panahon, gumawa ka ng mga bagay na nakakapangilabot na hindi namin inaasahan;ang mga bundok ay nanginig sa takot nang ikaw ay makita.

4. Sangkatauhan ay wala pang nakikitao naririnig na Diyos maliban sa iyo;ikaw na tumutugon sa mga dalangin ng mga umaasa sa iyo.

Isaias 64