Isaias 57:1-3 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ang taong matuwid kapag namamatay,walang nakakaunawa at walang nakikialam;ngunit siya'y kinukuha upang iligtas sa kapahamakan.

2. Mapayapa ang buhay,ng taong lumalakad sa katuwirankahit siya'y mamatay.

3. Halikayo, mga makasalanan upang hatulan.Wala kayong pagkakaiba sa mga mangkukulam,nangangalunya at babaing masasama.

Isaias 57