Isaias 51:1-2 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ang sabi ni Yahweh,“Dinggin ninyo ako, kayo, na naghahanap ng kaligtasan, at humihingi ng tulong.Pagmasdan ninyo ang batong malaki na inyong pinagmulan,tingnan ninyo ang pinaghuhukayan ng bato na inyong pinanggalingan.

2. Inyong alalahanin ang ninuno ninyong si Abraham,at ang asawa niyang si Sara na sa lahi ninyo'y nagluwal.Nang aking tawagin si Abraham, siya'y walang anak.Ngunit pinagpala ko siyaat pinarami ang kanyang lahi.

Isaias 51