Isaias 48:2-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

2. Ipinagmamalaki ninyong kayo'y nakatira sa banal na lunsod;at kayo'y umaasa sa Diyos ng Israel;ang pangalan niya ay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.

3. Sinabi ni Yahweh sa Israel,“Noong una pa'y alam ko na kung ano ang mangyayari. Pagkatapos ay bigla ko itong isinakatuparan.

4. Alam kong matitigas ang inyong ulo,may leeg na parang bakal at noo na parang tanso.

5. Kaya noon pa,ipinahayag ko na ang mangyayari sa iyo,upang kung maganap na'y huwag ninyong isipinna ang mga diyus-diyosan ang may gawa nito.

Isaias 48