Isaias 48:16-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

16. Kayo ay lumapit at pakinggan ang aking sasabihin.Sa mula't mula pa'y hayagan ako kung magsalitaat ang sabihin ko'y aking ginagawa.”Sa kapangyarihan ng espiritu ng Panginoong Yahweh, ako'y kanyang sinugo.

17. Ganito ang sabi ng Banal na Diyos ng Israel,ni Yahweh na sa iyo'y tumubos:“Ako ang iyong Diyos na si Yahweh.Tuturuan kita para sa iyong kabutihan,papatnubayan kita sa daan na dapat mong lakaran.

18. “Kung sinusunod mo lang ang aking mga utos,pagpapala sana'y dadaloy sa iyo,parang ilog na hindi natutuyo ang agos.Tagumpay mo sana ay sunod-sunod,parang along gumugulong sa dalampasigan.

19. Ang iyong lahi ay magiging sindami sana ng buhangin sa dagat,at tinitiyak kong hindi sila mapapahamak.”

Isaias 48