7. Ako ang lumikha ng dilim at liwanag;ako ang nagpapahintulot ng kaginhawahan at kapahamakan.Akong si Yahweh ang nagpapasya ng lahat ng ito.
8. Padadalhan kita ng sunod-sunod na tagumpay,parang mga patak ng ulan na bumabagsak sa lupa;dahil dito'y maghahari sa daigdig ang kalayaan at katarungan.Akong si Yahweh ang magsasagawa nito.”
9. Ang palayok ba ay makakatutol sa gumawa sa kanya?Maitatanong ba ng putik sa magpapalayok kung ano ang ginagawa nito?Masasabi ba ng palayok na hindi sanay ang gumawa sa kanya?
10. May anak bang magtatanong sa kanyang ama, “Bakit ikaw ang aking naging ama?”At sa kanyang ina, “Bakit mo ako ipinanganak?”