1. Lumapit kayo mga bansa, makinig kayo buong bayan!Halikayo at pakinggan ang aking sasabihin,kayong lahat na nasa ibabaw ng lupa.
2. Sapagkat si Yahweh ay napopoot sa lahat ng bansa,matindi ang kanyang galit sa kanilang mga hukbo;sila'y hinatulan na at itinakdang lipulin.
3. Ang kanilang mga bangkay ay ikakalat;ito'y mabubulok at aalingasaw sa baho,at ang mga bundok ay babaha sa dugo.