Isaias 31:5-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Tulad ng pag-aalaga ng ibon sa kanyang inakay,gayon iingatan ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ang Jerusalem.Ipagtatanggol niya ito at ililigtas;hindi niya ito pababayaan.”

6. Sinabi ng Diyos, “Bayang Israel, magbalik-loob ka sa akin,labis-labis na ang ginawa mong paghihimagsik.

7. Pagdating ng araw na iyon, itatapon ng bawat isaang kanyang mga diyus-diyosang pilak at gintona sila-sila rin ang gumawa.

8. “Ang mga taga-Asiria'y malulupig sa digmaan, ngunit hindi tao ang wawasak sa kanila;sila'y magtatangkang tumakas,ngunit aalipinin ang kanilang mga kabataan.

9. Sa tindi ng takot, tatakas ang kanyang pinakapinuno,at iiwan ng mga opisyal ang kanilang bandila.”Ito ang sabi ni Yahweh,ang Diyos na sinasamba at hinahandugan sa Jerusalem.

Isaias 31