19. ang mga kuwintas, pulseras at bandana;
20. ang mga alahas sa buhok, braso, baywang, mga sisidlan ng pabango at mga agimat;
21. ang mga singsing sa daliri at sa ilong;
22. ang mamahaling damit, balabal, kapa at pitaka;
23. ang maninipis nilang damit, mga kasuotang lino, turbante, at belo.
24. Ang dating mabango ay aalingasaw sa baho,lubid ang ibibigkis sa halip na mamahaling sinturon;ang maayos na buhok ay makakalbo,ang magagarang damit ay papalitan ng sako;ang kagandahan ay magiging kahihiyan.
25. Mamamatay sa tabak ang inyong mga kalalakihan,at ang magigiting ninyong kawal sa digmaan.
26. Magkakaroon ng panaghoy at iyakan sa mga pintuang-lunsod,at ang mismong lunsod ay matutulad sa isang babaing hubad na nakalupasay sa lupa.