Isaias 3:10-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

10. Sabihin ninyo sa mga taong matuwid: “Mapalad kayosapagkat mapapakinabangan ninyo ang bunga ng inyong pinagpaguran!”

11. At sa masasamang tao: “Kawawa naman kayo! Ang sasapitin ninyo'y kapahamakan,kung ano ang inyong inutang ay siya ring kabayaran, kung ano ang inyong ginawa, gayundin ang gagawin sa inyo.”

12. Mga bata ang umaapi sa aking bayan;mga babae ang namumuno sa kanila.O bayan ko, inililigaw kayo ng inyong mga pinuno,nililito nila kayo sa daang inyong nilalakaran.

13. Nakahanda na si Yahweh upang ibigay ang kanyang panig,nakatayo na siya upang hatulan ang kanyang bayan.

Isaias 3