Isaias 29:20-24 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

20. Sapagkat mawawala na ang malupit at mapang-api,gayon din ang lahat ng mahilig sa kasamaan.

21. Lilipulin ni Yahweh ang lahat ng naninirang-puri,mga sinungaling na saksiat mga nagkakait ng katarungan sa matuwid.

22. Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh, ang tumubos kay Abraham,tungkol sa sambahayan ni Jacob:“Wala nang dapat ikahiya o ikatakot man,ang bayang ito mula ngayon.

23. Kapag nakita nila ang kanilang mga anakna ginawa kong dakilang bansa,makikilala nila na ako ang Banal na Diyos ni Jacob;igagalang nila ang itinatanging Diyos ni Israel.

24. Magtatamo ng kaunawaan ang mga napapalayo sa katotohanan,at tatanggap ng pangaral ang mga matitigas ang ulo.”

Isaias 29