Isaias 28:5-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Sa araw na iyon, si Yahweh na Makapangyarihan sa lahatang magiging maningning na korona ng mga nalabing hinirang.

6. Siya ang papatnubay sa mga hukom upang maging makatarungan sa paghatol;at magbibigay ng tapang at lakassa mga tagapagtanggol ng bayan laban sa mga kaaway.

7. Sumusuray na sa kalasinganang mga pari at mga propeta kaya sila'y nalilito.Hindi na maunawaan ng mga propeta ang nakikita nilang pangitain;at hindi na matuwid ang paghatol ng mga pari.

8. Ang lahat ng mesa'y punô ng kanilang suka,nakakapandiri ang buong paligid.

9. Ganito ang sinasabi nila laban sa akin:“Ano kaya ang palagay ng taong ito sa atin;sino bang nais niyang turuan at pagpaliwanagan?Ang sinabi niya'y para lamang sa mga batang musmosna nangangailangan pa ng gatas.

10. Sinong makikinig sa kanyang pamamaraan:Isa-isang letra, isa-isang linya,at isa-isang aralin!”

11. Kaya naman magsasalita si Yahweh sa bayang itosa pamamagitan ng mga dayuhan, siya'y magtuturo.

12. Ganito ang kanyang sasabihin:“Narito ang tunay na kapahingahan para sa mga napapagal,”ngunit hindi nila ito pinakinggan.

13. Kaya ganito ang pagtuturo ni Yahweh sa kanila:“Isa-isang letra, isa-isang linya,at isa-isang aralin;”at sa kanilang paglakad, sila'y mabubuwal,mahuhulog sa bitag, masasaktan at mabibihag.

Isaias 28