Isaias 24:6-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Kaya susumpain ng Diyos ang daigdig,at magdurusa ang mga tao dahil sa kanilang kasamaan,mababawasan ang mga naninirahan sa lupa;kaunti lamang ang matitira sa kanila.

7. Mauubos ang alak,malalanta ang ubasan,ang mga nagsasaya'y daranas ng kalungkutan.

8. Ang masayang tugtog ng tamburin ay hindi na maririnig;titigil na ang ingay ng mga nagsasaya;mapaparam ang masayang tunog ng alpa!

9. Mawawala na rin ang pag-iinuman ng alak sa saliw ng awitan,ang alak ay magiging mapait sa panlasa.

10. Magulo ang lunsod na winasak;ang pintuan ng bawat tahanan ay may harang upang walang makapasok.

11. Sa mga lansangan ay sumisigaw sila dahil kulang ng alak,nawala na ang kagalakan at nauwi sa kalungkutan;lahat ng kasayahan ay napawi sa lupa.

12. Naguho na ang buong lunsod,ang pinto nito'y nagkadurug-durog.

13. Ganyan din ang mangyayari sa lahat ng bansa sa buong daigdig;parang puno ng olibo matapos lagasin ang bunga,tulad ng ubasan matapos ang anihan.

Isaias 24