6. At ganito ang sabi sa akin ni Yahweh:“Lumakad ka na at maglagay ng bantayat iulat ang kanyang mga nakikita.
7. Kung makakita siya ng mga kawal na nakasakay sa mga kabayo,at mga kawal na nakasakay sa asno at kamelyo,dapat siyang maging handaat ang kahandaan niya'y kailangang maging lubos.”
8. Sumigaw ang bantay,“Maghapon po akong nasa tore.Buong gabi'y nakabantay sa aking bantayan.”
9. Walang anu-ano'y nagdatinganang mga kawal na nakakabayo, dala-dalawa,at nag-ulat ang bantay,“Bumagsak na! Bumagsak na ang Babilonia!Nagkalat sa lansanganang durug-durog niyang mga diyus-diyosan!”
10. Bayan ko, matagal nang ikaw ay tila trigong ginigiik,may magandang balita ako sa iyo mula kay Yahweh,ang Makapangyarihan sa lahat, ang Diyos ng Israel.
11. Ito ang pahayag tungkol sa Edom:May tumatawag sa akin mula sa Seir,“Bantay, gaano pa ba kahaba ang gabi?Gaano pa ito katagal?”
12. Sumagot ang bantay:“Mag-uumaga na ngunit muling sasapit ang gabi;bumalik na lang kayokung nais ninyong magtanong muli.”