5. Bababaw ang tubig sa Ilog Nilo,at unti-unting matutuyo.
6. Babaho ang mga kanal,ang Ilog Nilo ng Egipto ay mauubusan ng tubig,at matutuyo rin ang mga tambo at mga talahib.
7. Malalanta ang mga halaman sa pampang ng Nilo,itataboy ng hangin, at hindi na muling makikita.
8. Magluluksa ang mga mangingisda,at mananaghoy ang lahat ng namimingwit,ang mga naghahagis naman ng lambat ay manlulupaypay.
9. Manghihina ang loob ng mga gumagawa ng kasuotang linen;
10. manlulupaypay ang mga humahabi ng tela,at mawawalan ng pag-asa ang mga manggagawa.