Isaias 16:1-3 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Mula sa Lunsod ng Sela sa disyerto,nagpadala ang mga taga-Moab ng mga batang tupabilang regalo sa namamahala sa Jerusalem.

2. Naghihintay sila sa baybayin ng batis ng Arnon,pabalik-balik sa paglalakad na parang mga ibong nabulabog sa kanilang pugad.

3. Sasabihin nila sa mga taga-Juda:“Sabihin ninyo sa amin ang aming gagawin;at bigyan ng katarungan;takpan ninyo kami, tulad ng lilim ng punongkahoykapag katanghaliang-tapat,papagpahingahin ninyo kamisa ilalim ng inyong mayayabong na sanga.Itago ninyo kami sa mga humahabol sa amin;kami'y mga takas, huwag ninyo kaming ibigay sa kanila.

Isaias 16