Isaias 14:21-29 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

21. Simulan na ang paglipol sa kanyang mga anakdahil sa kasalanan ng kanilang ama!Hindi na sila muling maghahari sa mundo,o maninirahan sa mga lunsod sa lupa.’”

22. Sinabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat: “Uusigin ko sila, at uubusin ko ang natitira sa kanilang lahi. Buburahin ko rin ang pangalan ng Babilonia.

23. Gagawin ko siyang isang latian, at tirahan ng mga kuwago. Wawalisin ko siya at pupuksain,” sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.

24. Sumumpa si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat:“Mangyayari ang aking balak,matutupad ang aking layon;

25. lilipulin ko ang mga taga-Asiria sa aking lupain,dudurugin ko siya sa aking kabundukan.Palalayain ko ang aking bayan sa kanilang pang-aalipin,at sa mabigat na pasaning kanilang dinadala.

26. Ito ang gagawin ko sa buong daigdig,paparusahan ko na ang lahat ng bansa.”

27. Sino ang tututol sa pasya ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat?Sino ang pipigil sa kanyang pagpaparusa?

28. Ang mensaheng ito'y nahayag noong taóng mamatay si Haring Ahaz.

29. Huwag mo munang ipagdiwang, bayang Filistia,ang pagkabali ng pamalong inihampas sa iyo,sapagkat sa lahi ng ahas maaaring lumitaw ang ulupong,at mag-aanak ito ng lumilipad na dragon.

Isaias 14