14. Parang usang hinahabol,parang tupang walang pastol,ang mga tao'y babalik sa kani-kanilang bayan,sila ay tatakas pabalik sa sariling lupain.
15. Ang bawat mahuli'y papatayin sa pamamagitan ng tabak.
16. Sa harapan nila'yluluray-lurayin ang kanilang mga sanggol,lilimasin ang mga ari-arian sa kanilang mga tahanan,at ang kanilang mga asawa'y pagsasamantalahan.”
17. Sinabi pa ni Yahweh,“Ipasasalakay ko sila sa mga taga-Media,mga taong walang pagpapahalaga sa pilakat di natutukso sa ginto.
18. Papatayin nila sa pamamagitan ng pana ang mga kabataang lalaki,hindi nila kahahabagan ang mga sanggol at mga bata.