Isaias 13:13-17 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

13. Kaya nga yayanigin ko ang kalangitan,at ang lupa ay malilihis sa kinalalagyan nito,sa araw na isinabog ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahatang kanyang matinding poot.

14. Parang usang hinahabol,parang tupang walang pastol,ang mga tao'y babalik sa kani-kanilang bayan,sila ay tatakas pabalik sa sariling lupain.

15. Ang bawat mahuli'y papatayin sa pamamagitan ng tabak.

16. Sa harapan nila'yluluray-lurayin ang kanilang mga sanggol,lilimasin ang mga ari-arian sa kanilang mga tahanan,at ang kanilang mga asawa'y pagsasamantalahan.”

17. Sinabi pa ni Yahweh,“Ipasasalakay ko sila sa mga taga-Media,mga taong walang pagpapahalaga sa pilakat di natutukso sa ginto.

Isaias 13