Isaias 11:6-8 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Maninirahan ang asong-gubat sa piling ng kordero,mahihiga ang leopardo sa tabi ng batang kambing,magkasamang manginginain ang guya at ang batang leon,at ang mag-aalaga sa kanila'y isang batang paslit.

7. Ang baka at ang oso'y magkasamang manginginain,ang mga anak nila'y mahihigang magkakatabi,ang leon ay kakain ng damo tulad ng baka.

8. Maglalaro ang sanggol sa tabi ng lungga ng ahas,hindi mapapahamak ang batang munti kahit pa isuot nito ang kanyang kamay sa lungga ng ulupong.

Isaias 11