Hosea 9:13-17 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

13. Gaya ng aking nakita, ang mga anak ni Efraim ay nakatakdang mapahamak.Mapipilitan ang kanilang ama na dalhin sila sa patayan.”

14. O Yahweh, bigyan mo po sila ng mga sinapupunang baogat ng mga susong walang gatas.

15. “Lahat ng kanilang kasamaan ay nagpasimula sa Gilgal;doon pa ma'y kinapootan ko na sila.Dahil sa kasamaan ng kanilang gawainsila'y palalayasin ko sa aking tahanan.Hindi ko na sila mamahalin pa;mapaghimagsik ang lahat ng kanilang mga pinuno.

16. Mapapahamak ang Efraim,tuyo na ang kanyang mga ugat;hindi na sila mamumunga.At kung magbunga ma'y papatayin koang pinakamamahal nilang mga supling.”

17. Itatakwil sila ng aking Diyossapagkat hindi sila nakinig sa kanya;sila'y magiging palaboy sa maraming mga bansa.

Hosea 9