Hosea 8:10-12 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

10. Bagama't humingi sila ng tulong sa ibang mga bansa,ngayo'y titipunin ko silang lahat.Hindi magtatagal at sila'y daraingdahil sa pahirap ng hari at ng mga pinuno.

11. “Ang mga altar na ginawa sa Efraim,ang siya ring nagparami ng inyong mga sala.

12. Sumulat man ako ng sampung libong kautusan,ito'y pagtatawanan lang nila at tatanggihan.

Hosea 8