1. Nais ko sanang pagalingin ang Israel,ngunit nakikita ko naman ang kabulukan ng Efraim,at ang masasamang gawa ng Samaria.Sila'y manlilinlang, magnanakaw at tulisan.
2. Hindi nila naiisip na hindi ko nakakalimutanang lahat ng kanilang masasamang gawain.Sila'y lipos ng kasamaan,at nakikita ko ang lahat ng ito.”
3. “Napapaniwala nila ang hari sa kanilang kasamaan,at maging ang mga pinuno ay kanilang nalinlang.
4. Lahat sila'y mangangalunya;para silang nag-aapoy na pugonna pinababayaan ng panadero,mula sa panahon ng pagmamasa hanggang sa panahon ng pag-alsa.
5. Nang dumating ang araw ng ating hari,nalasing sa alak ang mga pinuno,at pati ang hari'y nakipag-inuman sa mga manlilibak.
6. Nag-aalab na parang pugon ang kanilang mga puso;pawang kasamaan ang kanilang binabalak.Magdamag na nag-aalimpuyo ang kanilang galit,at kinaumagaha'y nagliliyab na parang apoy.
7. Lahat sila'y parang pugon na nag-iinit sa galit,pinatay nila ang kanilang mga pinuno.Bumagsak ang lahat ng mga hari nila;at wala ni isa mang nakaisip na sa aki'y tumawag.”
8. “Nakikisama ang Efraim sa mga sumasamba sa mga diyus-diyosan;ang katulad nila'y tinapay na hindi lubusang luto.
9. Inuubos ng mga dayuhan ang lakas ni Efraim,ngunit hindi niya ito namamalayan.Pumuputi ang kanyang buhok,at hindi niya ito napapansin.
10. Ang kapalaluan ng Israel ang magpapahamak sa kanila.Gayunman, ayaw nilang manumbalik kay Yahweh na kanilang Diyos,ayaw nilang hanapin ang kanilang Diyos.
11. Ang Efraim ay katulad ng isang kalapati,mangmang at walang pang-unawa;tumatawag sa Egipto, at sumasangguni sa Asiria.