Hosea 6:5-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Kaya nga, pinarusahan ko kayo sa pamamagitan ng mga propeta,at pinagpapatay sa pamamagitan ng aking mga salita;simbilis ng kidlat ang katuparan ng aking hatol.

6. Sapagkat wagas na pag-ibig ang nais ko at hindi handog,pagkilala sa Diyos sa halip na handog na sinusunog.

7. “Ngunit tulad ni Adan ay sumira kayo sa ating kasunduan,nagtaksil kayo sa aking pag-ibig.

8. Ang Gilead ay lunsod ng mga makasalanan,tigmak sa dugo ang mga lansangan nito.

9. Nagkakaisa ang mga pari,parang mga tulisang nag-aabang sa bibiktimahin.Pumapatay sila sa daang patungo sa Shekem;mabigat na kasalanan ang ginagawa nila.

10. Kahindik-hindik ang nakita ko sa sambahayan ni Israel.Ang Efraim ay nalulong na sa kalaswaan; ang Israel naman ay nahandusay sa putikan.

11. “Nakatakda na rin ang parusa sa iyo, Juda,sa sandaling ibalik ko ang kasaganaan ng aking bayan.

Hosea 6