3. Kilala ko si Efraim;walang lihim sa akin ang Israel;sapagkat ikaw ngayon Efraim ay naging babaing masama,at ang Israel naman ay naging marumi.”
4. Dahil sa kanilang mga ginawa,hindi na sila makapanumbalik sa Diyos.Sapagkat nasa kanila ang espiritu ng kasamaan,at hindi nila nakikilala si Yahweh.
5. Ang kapalaluan ng Israel ay sumasaksi laban sa kanya.Matitisod ang Efraim sa kanyang kasalanan;at kasama niyang matitisod ang Juda.
6. Dadalhin nila ang kanilang mga kawan ng tupa at bakaupang hanapin si Yahweh,subalit siya'y hindi nila matatagpuan;lumayo na siya sa kanila.
7. Naging taksil sila kay Yahweh;kaya't nagkaanak sila sa labas.Masisira ang kanilang mga pananim at sila'y malilipol pagdating ng bagong buwan.
8. “Hipan ang tambuli sa Gibea!Hipan ang trumpeta sa Rama!Ibigay ang hudyat sa Beth-aven!Nasa likuran mo na sila, Benjamin!
9. Mawawasak ang Efraim sa araw ng pag-uusig.Ang ipinapahayag kong ito'y tiyak na mangyayari.