Hosea 5:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. “Pakinggan ninyo ito, mga pari!Dinggin ninyo ito, sambahayan ni Israel!Makinig kayo, sambahayan ng hari!Sapagkat kayo ang tinutukoy sa kahatulan.Kayo'y naging bitag sa Mizpa,at lambat na nakalatag sa Bundok Tabor.

2. Kayo'y naghimagsik at nagpakagumon sa kasalanan,kaya't paparusahan ko kayong lahat.

3. Kilala ko si Efraim;walang lihim sa akin ang Israel;sapagkat ikaw ngayon Efraim ay naging babaing masama,at ang Israel naman ay naging marumi.”

4. Dahil sa kanilang mga ginawa,hindi na sila makapanumbalik sa Diyos.Sapagkat nasa kanila ang espiritu ng kasamaan,at hindi nila nakikilala si Yahweh.

5. Ang kapalaluan ng Israel ay sumasaksi laban sa kanya.Matitisod ang Efraim sa kanyang kasalanan;at kasama niyang matitisod ang Juda.

6. Dadalhin nila ang kanilang mga kawan ng tupa at bakaupang hanapin si Yahweh,subalit siya'y hindi nila matatagpuan;lumayo na siya sa kanila.

Hosea 5